Leaderboard Adsense

Link Units Adsense

Thursday, September 2, 2010

My Mom's 3rd Death Anniverssary

Ma. Cristina Ortiz-Rueda (May 2, 1969-September 2,2007)

Isa sa malaking pagbabago sa buhay ko ay nang tumatak sa isip ko ang 09/02/07.

Paano ba ang gagawin ko, dati pagpasok pa lang ng September, happy na ako kasi mag ce-celebrate na naman ako ng birthday ko. Pero ngayon, kailangan ko pa bang mag-celebrate? Hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko na maging masaya kung ang tunay kong nararamdaman ay kalungkutan. Hindi ko naman pwedeng kalimutan lang ang nangyari dahil patuloy ko lang itong maaalala.

Pero naisip ko, siguradong hindi rin siya magiging masaya kung makikita niyang ganito ako. Kaya naman gumawa ako ng isang tula para sa kanya upang maipahayag ko ang nararamdaman ng puso ko.:

Kay bilis ng panahon, parang kailan lang
Kasama ko pa siya at kami'y masayang nagkukwentuhan
Tatlong taon na ang lumipas, 'di ko man lang namalayan
Ang mahal kong ina, ngayo'y araw ng kanyang kamatayan!

Lungkot at pighati ang aking nararamdaman
Sa tuwing sasapit ang araw, bago ang aking kaarawan
Makukuha ko pa bang ngumiti pagsapit ng kinabukasan
Kung sa pagdilat ng mga mata ay 'di ko na siya masisilayan

Sa mga panahong ako'y nangungulila kay ina
Naghahanap ng pagmamahal at kanyang pagkalinga
Labis na kirot sa puso ko'y nadarama
Mga araw na kami'y magkasama, mananatili na lang sa ala-ala

Hindi man matanggap nitong aking kalooban
Ang masakit na bangungot na 'di ko ninais kailanman
Dahil sa iyo ina, ako'y naging matatag
Kaya't nasaan ka man ngayon, ako sayo'y nagpapasalamat!