Leaderboard Adsense

Link Units Adsense

Friday, December 10, 2010

Ano ba'ng buhay 'to!

Labinlimang araw pa naman bago mag-christmas pero ramdam ko na at natatanaw ang mga ala-alang iiwan ng 2010.

Malungkot, masaya, magulo, o ano pa man ang mga naranasan ko tiyak na lilipas ang lahat at mananatili sa aking nakaraan. Ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito? Magulo ang isip, nalilito, pero may natatagong kasiyahan sa puso ko. Ang galit at poot sa mga panahong di ko nagawang ngumiti ay pilit kong isinasantabi. Minsan nagagawa kong maging mapagkunwari, itago ang tunay na nararamdaman upang magawa ang isang bagay na alam kong gusto ko. Pero hindi ko iyon maaring ipagpatuloy sa mahabang panahon.
Bago matapos ang 2010, may isa akong kahilingan na sana'y matupad. Hiling ng puso ko na tanging Siya lang ang nakakaalam!!!