Leaderboard Adsense

Link Units Adsense

Thursday, February 24, 2011

BPC - Angat SG Election SY 2011-2012

Di ko alam kung dapat akong magtaka na si Rizza Dale Tutanes ang nanalong SG President ng BPC - Angat SY 2011-2012. Noong una pa lang na marinig ko na tatakbo siya, alam ko na malakas talaga ang hatak niya. Dati na rin siyang member ng SG at sa tuwing may announcement, lagi siyang kasama. Madalas pa nga siya ang spokesperson o spokeswoman kaya naman mabilis siyang nakilala sa buong campus.

Siguro nagkakaganito ako dahil na rin sa ang sinusuportahan kong kandidato ay natalo, si Ruperto Sta. Ana Jr. Siyempre sa kanya ang boto ko, CCM kami eh! Di naman ako nanghihinayang dahil ramdam ko na magkakaganoon talaga. Isa pa, napansin ng mga BPCians ang mga bumoto kay Rizza, solid sa CHS, Enics, at ang balwarte niya, and ComSec.

Sa totoo lang wala naman talaga akong gaanong alam tungkol kay Rizza Dale, kaya naman di ko rin siya mahusgahan. Pero bakit kaya ang dami kong naririnig na negatives tungkol sa kanya? Ano ba ang totoo? Dahil rin sa naguguluhan ako, at naisip ko na marahil ay marami din na kapwa ko BPCians ang gusto pang makilala ang mga nagwaging kandidato sa SG Election, gusto ko sanang i-publish ang profile ng mga bagong halal na SG sa 'The Sentry'. Bilang bagong Editor in Chief, gusto sanang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga magbabasa tungkol sa mga bagong mamumuno sa ating paaralan.

At ngayon, sasamantalahin ko na rin ang pagbati sa mga nagwagi na CCM candidates, si Don Jhon Michael Samson bilang PRO, si Jay Acero bilang Board Member, at si Jenard Vitonio biland CCM Representative for Vice President ng SG. Gayundin binabati ko rin ang iba pang nagwagi na kasapi ng YES Coalition at HRS Party.

Tungkol naman dun sa nangyari kay Don Jhonn Michael Samson, na siya daw ay muntik nang mabanatan ng isa sa mga estudyante sa Enics, ang dahilan ay nabastos daw siya ni DJ naku, pre, alam mo sa sarili mo kung sino ang nambastos. Alam mo naman na may nagsasalita sa harap ninyo, sabat ka ng sabat. Tapos nung sinagot ka naman, napikon ka pa. Kami na CCM ay hindi namin hangad na bastusin kayo sa harap ng mga kaklase o sa instructor ninyo. Kami ay nakikipag-usap sa inyo ng matino upang hingin ang suporta ninyo, hindi upang maghamon ng away. Kaya kahit na ang totoo ay wala naman kasalanan si DJ, humihingi na rin kami ng pasensya at pang-unawa mo, kami na mga CCM ay humihingi ng despensa.