Leaderboard Adsense

Link Units Adsense

Friday, April 22, 2011

Sa aking pag-iisa...

Maraming bagay na naman ang gumugulo sa aking isipan. Mga bagay na hindi naman makakatulong upang maibasan ang pagod na nararamdaman ko sa araw-araw. Ayokong mawalan ng saysay ang bawat minutong dumarating sa aking buhay kung kaya't dapat ko na lamang sigurong ituon ang aking isipan sa mas mahahalagang bagay.

Kaunting oras lang kung ako ay makapagpahinga sa buong araw. Ganun talaga, 'busy' eh! Pero hindi ko ito pinagsasawaan. Natutuwa nga ako dahil nasasabi kong kaya ko pala.

Sa bawat oras na inilalagi ko sa mundong ito, 80% sarili ko lang ang kasama ko. Kasama ko sa lahat ng bagay. Sarili ko ang pinagkakatiwalaan ko, hinuhugutan ng lakas, inspirasyon, at natatanging kaibigan na handang dumamay sa lahat ng oras.

Sa totoo lang, marami pa akong kaibigan. Kilala ko sila... karamihan sa pangalan lamang. Pero madalas, 'di ko maalala ang pangalan nila dahil ibinabase ko ang pagkakakilala ko sa kanilang pagkatao. Kung paano sila makisalamuha at kung paano nila ako tratuhin.

Hindi mahalaga sa akin ang mga materyal na bagay na sa paglipas ng panahon ay mawawala din. Ang mahalaga sa akin ay ang kanilang tunay na pagkakatao. Pero minsan, 'di ko maiwasang maninis... sa sarili ko dahil sa mga pagkakamali ko na paulit-ulit ko pa ring ginagawa. Sana nga magkaroon na lang ako ng sariling mundo, kahit ako lang mag-isa, masaya na ako.

Sa oras na nag-iisa ako, masaya ako dahil kasama ko ang matalik kong kaibigan... ang sarili ko. Nakakatawa, pero 'yun ang totoo. 'Yun na ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng may nakikialam sa akin. Kaya ko! Kung magmukha man akong mahina, huwag ninyo akong kaawaan.

Masaya naman ako sa piling ng mga kaibigan, pero hindi lahat, may ilan lang. Hindi ko na alam ang pakiramdam ng nagmamahal kung kaya't isa na akong manhid na nakalimot na sa pag-ibig. Hindi ko 'iyon pinagsisisihan dahil alam kong darating ang araw na may babaeng magpapasaya sa akin. Naghihintay lang ako... sa kanya.