Leaderboard Adsense

Link Units Adsense

Sunday, May 15, 2011

Problema na naman.....

Problema.....

Hindi naman ako kolektor pero bakit nakakaipon ako ng problema???
Oo... alam nga naman natin na lahat ng tao ay may kanya-kanyang mga problema at natural na yata iyon. Sabi nga nila, abnormal daw ang taong walang problema, pero ako nagsasawa na.
SAWANG-SAWA NA AKO SA PROBLEMA..... kasi.....
..... ang mga problema ko.....
..... parang walang solusyon!!!

Naiinis ako, nagagalit..... pero 'di ko alam kung.....
haaahhhhh..... ewan!!!

Problema sa bahay:
  • Araw-araw, paulit-ulit lang ang nangyayari sa akin. Papasok sa umaga (work / school)..... uuwi sa gabi. Papasok kinabukasan..... uuwi ulit. Papasok... uuwi... papasok... uuwi. Wala nga raw akong naitutulong sa bahay, inaabuso ko pa ang katawan ko, nagpapakapagod, nagpapaka-hardworking, nagpapaka-busy..... oo, tama ang sabi ng tita ko, paano nga kung magkasakit ako.....!!! Kahit nasesermonan, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila. Kinupkop nila ako, pinapatira sa bahay, pinapakain, pinaglalaba ng damit..... inaalala!
Problema sa school:
    • Unang-una, tuition fee pati na rin iba pang bayarin. Nakakakuha nga ako ng scholarship, pero kinukulang pa rin. Nagkautang-utang na nga ako eh!
    Problema sa oras:
    • May mga nagtanong na sa akin, 'bakit sa BPC?", "bakit hindi sa PUP?" Actually, madali kasi mag-adjust ng schedule sa BPC, sa gaya ko na working student. Trabaho sa umaga -- aral sa gabi. Ang problema, kulang ako sa tulog... kulang sa pahinga.
    Problema sa sarili:
    • Pinakamalaki..... pinakamabigat na problema ko..... sarili kong buhay. Mas mahirap pala mabuhay ng simple, kasi lahat ng bagay kumplikado. Masarap nga tumawa, ngumiti, maging masaya, pero sa akin lahat ng iyon ay may limitasyon. Paano kung nag-iisa ka na, kakayanin mo bang mamuhay sa lungkot at takot? Paano kung nawawalan ka na ng pag-asa, pananampalataya, pagpapahalaga, at pagmamahal?
    • TAO, nabubuhay sa pagkakamali, kahinaan, pagkukunwari, kahirapan, kasamaan..... at kasalanan! Ngayon, ano ang problema ko? Kulang..... kulang ako sa pagmamahal at pagkalinga..... higit sa lahat, pang-unawa!



    Kung kayo ay may mga katanungan, suggestion, advice, tips, o komento para kay Bern Rueda, mag-comment lang po sa ibaba upang aking marinig ang inyong opinyon. Maaari rin po kayo mag-comment sa aking Official Facebook Fan Page Bern Rueda dot Info. Thanks!