Leaderboard Adsense

Link Units Adsense

Wednesday, August 3, 2011

Low Pressure Area... Namumuong sama ng loob!



Ang tao minsan parang weather, di mo kayang i-predict ang tunay niyang nararamdaman. May mga forecast na nakikita sa isang tao ngunit sa pagtakbo ng panahon ay maaari itong magbago depende sa ihip ng hangin.


LOW PRESSURE AREA o namumuong sama ng loob - kung naiinis ka na o napipikon, LPA 'yan. Para maging bagyo, kailangan mong magalit ng todo-todo kung saan magkakaroon na ng ng mga signal warnings tulad ng:





►Signal #1 → maaari ka pang makapagpigil o makapagtimpi; maaaring masama ka na tumingin at medyo seryoso na ang pagmumukha mo!


►Signal #2 → lalabas na sa bibig mo ang mga 'di kanais-nais na salita; tataas ng kaunti ang timbre ng boses mo!


►Signal #3 → may padabog-dabog ka na; umaakma kang mananakit ka na at handa na sa anumang mangyayaring 'di inaasahan!


►Signal #4 → buo na ang loob mo; wala kang pakialam sa kaaaway mo kung ano man ang kahihinatnan niya kahit pa nga may madamay pang iba basta't maibigay mo lang ang isang malupit na di niya makakalimutan!


►Signal #5 → handa kang maging isang kriminal; wala kang kinakatakutan at handa kang pumatay upang maipamalas mo ang iyong husay sa pagkitil ng buhay.



Ang takbo ng isip ng isang tao ay mahirap hulaan, kung kaya't bumabase tayo sa kanilang inaasal. Ngunit anumang nakikita ng ating mga mata ay may pagkakataong ito ay isang pagkukunwari lamang. Ang katotohanan ay mahirap makita sa taong nagtatago nito.



Sa pagkakataong nakasalamuha mo ang taong nakakaranas ng LPA, mainam na huminahon ka at mag-isip. 'Wag mo na siyang sabayan o kontrahin dahil siguradong mahahawa ka at matutulad sa kanya. "Self-control", sabi nga ng isang taong hindi ko na maalala ang pangalan. Dahil sa oras na ang iyong nararamdaman ay tumitindi, angiyong katunggali ay makakaipon ng lakas at handa ng mangwasak, hindi na ito basta-basta mapipigilan lalo na kung nag-landfall na siya sa iyo at taglay nito ang malalakas na hanging umiikot sa ulo niya. Ang mata ng bagyong ito ay nakatitig sa'yo at nanlilisik. At saa oras na lubayan ka niya at iwanan, siguradong napakalaking pinsala ang dulot nito sa'yo. Maaring iwanan ka niyang lugmok at luhaan. Kawalan ng pag-asa ang siyang una mong maiisip at mararamdaman. Kasunod nito ang pagtuklas ng iyong isipan sa poot, galit, at pagkasuklam na magdudulot pa sa iyo ng kapahamakan.