Leaderboard Adsense

Link Units Adsense

Sunday, September 22, 2013

Pasensya na, tao lang!

Siguro naman narinig mo na ang linyang ito, "pasensya na, tao lang!" na tumatak din sa isipan ng mga tao dahil sa kantang "Tao Lang" ni Loonie.

Napapaisip lang ako, dahil na rin sa nararamdaman ko ngayon at sa mga problemang kinakaharap ko ngayon, sa mga pagkakamaling nagagawa ko na paulit-ulit ko pa rin ginagawa na para bang hindi na natuto eh may karapatan ba akong sabihin na "pasensya na, tao lang..."

Problema na naman...
Bawat isa naman sa atin tiyak na may problema sa buhay. Malaki man o maliit, marami o kakaunti, mabigat o magaan, ano man ang mga bagay-bagay na pinoproblema natin ay masasabi kong kasama na talaga sa buhay.

Ikaw, ako, siya, sila, tayo... lahat tayo may tinatawag na 'options' o 'choices', tama? Totoo di ba, pwedeng ikaw may problema pero dahil sa sarili mong pananaw eh mas gugustuhin mo pang 'wag na lang isipin pa ang mga bagay na nagpapahirap sa 'yong isipan. Sabi ng iba, "wag mong problemahin ang mga problema, para wala kang problema..." sa kabilang banda, tama naman pero kasi ako di ko maiwasan mag-isip lalo na kung ang problema ay talagang seryoso at kailangan masolusyonan.


So, ano bang problema ang tinutikoy ko?
Marami, marami akong problema na parang wala na nga yatang katapusan. Ang hirap ng ganung pakiramdam. Hindi ko kailangan ipagsawalang bahala dahil para sa akin, ang bawat problema ay katumbas ng pananagutan.

Mali ba na magkamali ang isang tulad ko?
Sa kanta ni Loonie, maririnig ang linyang "mali ba na magkamali ang isang tulad ko? Ako ay tao lang din naman na tulad mo. Ano ba ang dapat na gawin, dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang isang tulad ko na tao lang... pasensya na, tao lang!"
Naitanong mo na ba 'yan sa sarili mo? Bakit 'di mo subukan, try mo! :)

'Yung totoo? Normal na magkamali, given. Magkamali, at magkamali, at magkamali, at magkamali, at magkamali... puro na lang mali, paulit-ulit, di na natuto.
Pero bakit nga ba mahirap iwasan ang mga bagay na kahit alam nating mali, ginagawa pa rin natin? Kasi may mga pansariling dahilan din na sa pamamagitan ng pagkakamali, ay makagawa ka ng tama, tama ba?
Sang-ayon ka man o hindi, wala akong magagawa eh ikaw 'yan eh.



At ngayon, 'di ko alam kung ano pa mga mangyayari... problema ko pa rin ang mga problema.
Sana naman din matuto na ako sa mga pagkakamali ko na syang dahilan ng mga problema ko, di ba?