Leaderboard Adsense

Link Units Adsense

Sunday, November 17, 2013

United As One | Bangon Visayas, Bangon Pilipinas!

Super Typhoon (Haiyan) #YolandaPH

Itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon, ang super typhoon Haiyan. Ang bagyong sumira at kumitil ng napakaraming buhay dito sa ating bansa, kung iisipin ay talaga namang nakakalungkot at nakakapanlumo. Maraming pinoy tayong mga kababayan ang nangangailangan ng ating tulong upang muling bumangon mula sa pagkakadapa dulot ng bagyong Yolanda.

Bangon Pilipinas, pinoy tayo eh!


Sa kabila ng matinding pagsubok na kinakaharap ng ating mga kababayang Pilipino, ng ating bansang Pilipinas, ay nakakatuwang malaman na tayong mga pinoy ay likas na matapang lalo na sa mga hamon ng buhay. Ano man ang mangyari ay lakas-loob pa rin nating isinusulong ang ating sarili upang mabuhay. Sa mga kapwa natin na sinalanta sa Visayas, nawa'y pagtibayin pa nila ang kanilang pananalig at pananampalataya at 'wag mawawalan ng pag-asa.

'We Are One' | Tulong sa Pinas


Isang bagay na nakakataba ng puso ay ang malaman na maraming bansa ang tumutulong sa atin upang makabangon muli. Kaya naman lubos ang aking pasasalamat at maging ang buong sambayanang Pilipino sa lahat ng nagpapa-abot ng kanilang tulong.

Malaki man o maliit, ang mahalaga ay makatulong tayo sa ating kapwa. Higit sa ating mga kababayan sa Visayas na lubhang nasalanta ng bagyong Yolanda.

Maraming salamat!


Black and white PH Map...


Nakiisa ka na ba? Change your fb profile picture now into a white Philippine map with black background.