Leaderboard Adsense

Link Units Adsense

Wednesday, November 13, 2013

New look, kaya naman parang repeat from the start!

Bloggista si Bern, formerly Bern Rueda dot Info

Anong meron? Ahm, eto lang naman... hindi kasi totally bago or new website ang nakikita nyo ngayon. Ito po ang dati kong website (Bern Rueda dot Info) na ngayon ay "Bloggista si Bern".
Kung mapapansin, wala na ang domain na www.bernrueda.info kaya balik ako sa URL na blah, blah, blah dot blogspot dot com. :P

Ganun pa man, di naman iyon dahilan para tumigil sa pagsulat at ipagpatuloy ang nasimulan ko na. Napabayaan ko rin naman kasi kaya 'yon, wala na. Parang isang bagay na pag-aari mo at kapag di mo iningatan, di magtatagal ay posibleng masira o mawala... tama?

Ang bago kong blog site, "Bloggista si Bern"

Bloggista si Bern

Ngayon na bago na naman ang environment ng site na ito, nae-excite na naman ako magpost ng kung ano-ano dito. From now on, pipilitin kong makagawa ng magagandang posts... or kahit hindi maganda eh ok pa rin kasi hindi naman lahat ng bagay na nangyayari ay maganda, di ba? Ang ibig kong sabihin, simula ngayon ay mage-effort na ako na magpost na maaaring nakakaaliw, nakakalibang, nakakasiya, nakaka-inspired, nakakalungkot, nakakatakot, nakakakaba, nakaka-inlove, nakakainis, nakaka... nakaka... nakaka... ah basta kung ano pang nakaka, pwedeng pwede. Wag lang sigurong nakaka-boring... ;)

Ito na 'yon eh... good start!

So, post post na lang din pag may time... syempre dapat talaga may time. Sa ngayon, mamaya, bukas, ang isip ko'y magmamasid at lilipad sa hangin upang kumalap ng mga kung ano-anong impormasyon, issue, kwento, o kung ano-ano pa man.

Sa mga susunod pang araw, unti-unti ay may magbabago pa at iiimprove sa site na ito. Maaaring may mawala, madagdag, o manatiling ganun pa din. Basta... ngayon kasi eh medyo inaantok na ako eh, hehe... napagod kasi!